Vanguard Radio Network

for Advertising Opportunities, email info@bigsound.com.

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size

PAGPAPASYA 2010

Pagpapasya 2010Hatid sa inyo ng Vanguard Radio Network, DZXO AM Cabanatuan City at lahat ng BiG SOUND fm mula Lucena hanggang Tuguegarao ang PAGPAPASYA 2010!  Pinakamainit at pinakakomprehensibong Election Coverage mula sa Pope Pius Center, United Nations Avenue, Manila, kasama ang mga correspondents sa iba't ibang lugar ng VRN, mula 6:00PM ng May 10 hanggang 2:00AM kinabukasan, at 5:00AM hanggang 6:00PM ng May 11.

 Sa pakikipagtulungan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, inyong malalaman ang mga partial unofficial results mula presidente hanggang konsehal ng bayan.  Kung nais nyo itanong ang resulta sa inyong lugar, itext lang ang BIG <space> inyong pangalan <space> address <space> message o hiling na resulta at i-send sa 2299, o sundan kami sa http://Twitter.com/bigsoundfm o i-search sa Facebook ang BIG SOUND FM.

Ayon sa Executive Director ng KBP na si Mr. Rey Hulog, ang mga resulta ay manggagaling sa electronic data na ipapadala ng PCOS machine sa:

1. Board of Canvassers sa Municipal Level

2. Comelec

3. Pope Pius Server

---

Mula sa server sa Pope Pius ay pwedeng magdownload o makakuha ng dalawang klase ng impormasyon - Portable Document Format (PDF) o Comma Separated Value (CSV) files.  Ang PDF ay naglalaman ng bilang ng Smartmatic at ang CSV ay naglalaman ng raw data o mga detalye na galing sa PCOS na ipinasa sa Comelec bago ipapadala sa Pope Pius.

 Ang kukunin ng KBP na impormasyon ay manggagaling sa PDF at CSV.  Ang CSV ang gagamitin ng KBP para gumawa ng cross-tabulation o muling pagbibilang para ikumpirma ang resulta ng PDF files. Ito ay Partial Unofficial Count mula sa Comelec file ngunit ang galing sa PDF ay Partial Unofficial Count mula sa PCOS machines. Lahat ng babasahing resulta mula sa Pope Pius Center ay tatawaging "Unofficial Election Tally ng KBP base sa kopya ng election returns na tinanggap sa Pius Center as of (tme)".

Pagpapasya 2010! Serbisyo para maproteksyunan ang boto niyo.

 Click here to read article: Election Guidelines

Last Updated on Thursday, 06 May 2010 01:31